Start of something new

Sharing of interests, stories of where I've been and what I did. Insights, thoughts, learning that may be applicable and helpful to anybody in this world!

Friday, 20 September 2013

Happy Friday: Today, I met my Angel!

"La la la la la la" ... eto ang sinasambit ng mga labi ko noong naglalakad ako palabas ng bahay namin kaninang umaga.

Hanggang sa makasakay sa jeep at sa pagtatanong ng "Ma, LRT po?" sa driver ng jeep, ako ay nakangiti parin :)

I am so excited as if I am in cloud 9 because tomorrow my husband is coming and we will have a vacation! Wohooo! I am so excited that I cannot control my smile!

I was at the driver's seat together with another young lady, student I suppose.

I was reading my feel good book "Bakit hindi ka crush ng crush mo" and was smiling all by myself for like 30 minutes when suddenly...



Imagine drinking a glass of wine then you suddenly saw a crime!
The wine glass dropped and as if the time stopped! 

Yes Imagine that!

Bigla kong naalala na wala akong pera! Literal! Wala akong pera sa bag at wallet ko kase lahat ng cash ko ay naiwan ko sa pantalon ko kahapon!!!
Big Waaaaaah talaga ang pangyayaring ito!

Naisip ko na baka panaginip lang ang lahat, joke lang talaga ito kaya nag pumilit akong maghanap ng pera sa bag ko. Unfortunately wala talaga! Lahat ng mga sinisingitan ko ng pera eh wala ng laman at 2pesos nalang ang natitirang pera!!! Big OMG Talaga! Nakatingin ako sa salamin at sinasabi ko sa sarili ko "Ang ganda mo sana! wala ka lang pamasahe".

Hinarap ko na ang realidad na talagang wala akong pamasahe, kaya nag isip na ako ng paraan para masolusyunan ang problema ko - eto ang mga naisip ko...

~ Maghanap ng mga bagay na pede ipalit sa pamasahe (kaso ayoko naman ibigay ang cellphone ko para sa pamasahe)

~ Sabihin kay Kuya Driver:

              "Kuya pede nyo po ba ako intayin? widraw lang ako"
              "Kuya wala po akong pamasahe, bayaran ko nalang po kayo pag nag kita na po tayo ulit"
              "Kuya honest mistake po talaga, naiwan ko po pamasahe ko"

After sabihin ang mga katagang ito sabay "Puppy Dog Eyes" kay Kuya Driver.

Naghalungkat parin ako sa bag ko sa pag asang may makukuha akong kahit bente pesos lang na nakasingit kung saan ngunit bigo ako! 

Hindi parin ako nawalan ng pag asa at nag halungkat parin ako.. Nang biglang nakita ko ang Globe 100 Load na binili ko kahapon!

Bigla akong nabuhayan ng loob at naisip na iyon nalang ang ibayad ko ke Kuya.. Pero naisip ko, paano kung hindi siya Globe? Waaah.. ibigay ko nalang ng buo ung 100 load kapalit ng pamasahe ko!

Huminga ako ng malalalim at kinausap ko si Ate na katabi ko...

KL:    Ate Globe ka ba?
Ate:  Opo!
KL:   Bilhin mo na itong Globe100, wala kase akong pamasahe
Ate:  Sabay kuha ng pera sa bag at iniabot sa akin ang 100 pesos
KL:    Ate, kahapon ko lang binili yan..
KL:   Naku Ate Salamat talaga! Hulog ka ng langit! Namumutla na kase ako!!

Hindi ko na inisip kung ano ang iisipin ni Ate basta ang alam ko eh hindi ako nanloloko na wala talaga akong pamasahe.

Ayan, jan nagtapos ang aking problema! Grabe talaga!
Pagbaba ko ng jeep, nag pasalamat ulit ako kay Ate!

Lesson learned:

1. Wag windang!
2. Magtago lagi ng pera sa singit singitan ng wallet!
3. Maging mabait para may angel na tutulong!

Mas magiging unforgettable experience ito kung wala akong Globe100!
Hope you learned something from my katangahan!

Xoxo

No comments:

Post a Comment